Spotify Music

Wednesday, 14 April 2021

Noong Buo Pa Ang Samahan

Kay gandang pagmasdan
Mga ngiting makulay ng pagsasamahan
Magkakapatid ang sa isat' isa'y turingan
Sa hirap at ginhawa ay walang iwanan.

Ngunit sa paglipas ng mga panahon
Bakit pagsasamahan ay unti-unting nabaon
Nalilimutan na ba ang dating panahon
Na kay sigla kung tayo ay magtipon tipon?

Noong buo pa ang ating samahan
Walang bigat sa puso ang aking nararamdaman
Dahil alam kong nandyan ang aking mga kaibigan
Kaagapay at laging masasandalan.

Alam kong kayo ay nandyan pa rin
Gaano man kalayo ay pwede pa rin abutin
Pakpak ng pagkakaibigan ay gamitin
Paliparin tungo sa ating mga damdamin.

FYI: kathang isip lamang, walang kokontra...

No comments:

Post a Comment

YouTube Videos